Image Map
ForeverAlone



1/42 »

ewan hahaha :) wag nyo ko tawanan sa story ko.achuchu :( 

Posted on May/19/2012 with 1 note



Ang classroom namin,ang nagsilbing pangalawang bahay namin ng halos isang taon.A place to remember :’) punong puno ng matatamis,mapapait,halo-halong alalaala.At iba-ibang pangyayaring naganap sa bawat sulok :’) 

Ang classroom namin,ang nagsilbing pangalawang bahay namin ng halos isang taon.A place to remember :’) punong puno ng matatamis,mapapait,halo-halong alalaala.At iba-ibang pangyayaring naganap sa bawat sulok :’) 

Posted on May/19/2012 with 1 note


Mga kalokohang ginawa ko bago ang pagtatapos ng klase
  • Bigla akong pumasok ako sa mga klase ng mga  teacher na close ko at nanggulo sa lesson nila :)
  • Tumakbo ng tumakbo  at magsisisigaw sa hallway kasama ang mga kaibigan hanggang sa masaway ng Guidance Councilor
  • Pinagtripan ko yung Physics Teacher namin,tinanggal ko yung sounds habang nagdedemo siya :P tapos sinabi ko “Nabibingi ako Sir
  • Naglead ako sa flagceremony sa stage,sa harap ng napakaraming studyante.nagpatawa lang ako.Sorry na~
  • Tinawag ako nung teacher ko nung teacher ko para magreview ng mga kaklase ko,ako yung tumayong teacher that day kasi may ginagawa siya.Pero instead , ang sabi ko sa mga kaklase ko “Wag na tayong magreview,madali lang yung test,tara party tayo” seryoso XD tapos may watcher ako,pagparating na si maam,aakto kaming parng nagrereview.
  • Nabaranggay kami dahil sa kalokohan namin :D pero pinagsabihan lang din kami ;P 
  • Sa harap ng electronics teacher namin nagpicture-picture ako ;) harap-harapan,hahahaha

Ayun,sa sobrang dami,baka next week na ako matapos :DD 


Highschool life.

Magrarant ako at magp.photospam ako :) namimiss ko kasi eh.Hanggang ngayon,hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na college na ako sa pasukan,masyado kong mahal ang highschool life ko,na hindi ko kayang iwan.

Dito ko mas nakilala yung sarili ko.

Dito ko mas naintindihan yung mga bagay-bagay sa paligid ko

Dito ko nakilala first love ko.

Dito ako unang beses na broken hearted.

Ang dami kong first dito sa highschool life ko.

Parang halos lahat dito ko na naranasan.

Well,pakisampal nga ho ako,hahah feeling ko highschool pa rin ako.Bitin eh,di ko naenjoy ng bongga.Hay,kaiyak.


Masubukan ngang magsulat sa wattpad

baka sakaling may future pala akong maging echoserang writer.

Posted on May/18/2012 with 3 notes


Hindi ako nagaasukal.

Since first year highschool ako.I quit adding sugar sa mga iniinom ko,sa mga kinakain ko.Except sa mga pagkain na talagang kailangan ng sugar.

Pakiramdam ko kasi pag nilagyan ko ng asukal,sobrang tamis na.Ganun,nakasanayan ko na rin naman.Nagm-milo ako ng walang asukal,coffee without sugar.Iniiwasan ko talagang maglagay ng asukal.

Takot ako magkadiabetes :P 

Posted on May/18/2012 with 4 notes


THIS.THIS.THIS.THIS.


pacute na ewan.

Hello.Nagpagupit kasi ako,BANGS beybe.haha 


Minsan kailangan nating dumistansya para makita kung sino yung HAHANAPIN ka at kung sino yung HAHAYAAN ka.

Guy Bestfriend.

Masarap magkaron ng kagaya nila.Less drama,more honest.Kasi sila yung tipo ng taong kapag kasama mo,masasabi mong kaya ka nilang protektahan ,hindi ung mga babae nga ,pero hindi natin masasabi diba? pero binabackstab ka na pala nila ,at ayoko nun.Guy bestfriends never do that.

They’ll do everything for you,to protect you,to assure you na masaya ka.At kung may mananakit sayo,they’ll fight for you.And that’s the best thing about them.

Posted on May/17/2012 with 7 notes


Yung lahat na lang ng bagay pinapakielaman,pinupuna,kahit hindi naman siya inaano.

Pakielamera lang? 

Posted on May/17/2012 with 2 notes


Minsan kailangan mong lumagpas sa borderline mo

para maexperience mo yung totoong saya na hinahanap mo.Kung magkamali ka man,karapatan natin yan,dahil teenager tayo.Parte yan ng buhay naten.

Posted on May/17/2012 with 5 notes


Dumadating sa point na pakiramdam mo ,wala ng sense mga pinopost mo.

tama?

Posted on May/15/2012 with 4 notes


Ligo sa fountain Experience :D

Nasa hagdan pa lang kami ng 7th Avenue,nung makita namin yung pool,dali kaming nagsipaa tapos tumakbong parang mga bata sa fountain.:DD ako yung nakablack na nakapeace :)) 

Sarap alalahanin lahat ng alaala nung highschool life mo.

Posted on May/15/2012 with 6 notes


May natutunan ako mula dun sa past love ko.

Kahit na hindi naging kami.Nagawa kong makuntento sa kung anong meron kami.

  • Value Friendship

Kasi mas pinili naming magbestfriend na lang,kasi alam namin kung saan kami magtatagal at kung saan hindi namin kailangang magbreak,kung saan kami magiging masaya at kumportable sa isat-isa.

  • Isa sa mga bonggang bonggang natutunan ko nun eh,Ibaba yung standards ko sa pagpili ng lalaking magugustuhan

Hindi naman kasi ako choosy,hindi rin naman ako kagandahan para maging choosy diba.Hindi siya perpektong tao,hindi lahat ng gusto ko sa lalaki nagmatch sa kanya,pero natutunan ko siyang mahalin kasi , siya ay siya, walang halong pretentions,masaya ako kapag kasama ko siya,at siya yung tipo ng tao na kapag nakausap at nakaclose mo ng matagal eh imposibleng hindi mo matutunang mahalin.

Posted on May/14/2012 with 5 notes